ibang anyo ng kaníno; ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pagmamay-ari, at isinusu-nod sa pangalan ng itinatanong, hal Bahay nino ito?
Niño (nín•yo)
:
sa mga Kristiyano, taguri sa batàng Hesus
sán•to
1:
sa Katoliko Romano, tao na idineklarang banal ng simbahan
2:
titulo ng isang santo o arkanghel
3:
imahen o larawan na makikíta sa simbahan at tahanan ng mga Katoliko
El Niño (el nín•yo)
:
iregular na serye at masalimuot na pagbaba-go ng klima na nakaaapekto sa rehiyong Pasipiko malapit sa ekwador
sán•to o•le•ó
:
ang sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa naghihingalo
Hu•wé•bes Sán•to
:
Huwebes sa Mahal na Araw
Es•pí•ri•tú Sán•to
:
Banál na Espíritú
Bi•yér•nes Sán•to
:
sa mga Kristiyano, ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabúhay at gumugunita sa pagkakapakò sa krus ni Kristo; tradisyonal na araw ito para sa pag-aayuno at penitensiya
Santo Domingo (sán•to do•míng•go)
:
(1170–1221) fraileng nagtatag ng ordeng Dominiko noong 1215